c
 
 
Recognition Program for LGU Partners in Development

 

Bilang pagbigay pugay at pasasalamat sa mga asosasyon, people's organizations, NGOs at mga ahensiya ng gobyerno na naging kaakibat ng lokal na pamahalaan sa programang nagpapaunlad sa bayan ng Bani, idinaos ang unang Recognition Program for LGU Partners in Development noong Hunyo 28, 2007.

Pinasalamatan ni Mayor Gabriel Navarro ang dalawamput pitong Partners galing sa ibat-ibang sektor para sa kanilang suporta at mga serbisyo na nagbunga ng mga mabubuti at makabuluhang programa para sa mga mamamayan ng Bani. Aniya, sa tulong ng mga partnership nakilala at nabigyan parangal ang bayan ng Bani sa larangan ng kalusugan, coastal resource management at kapakanan ng mga bata. Nabuksan din ang mga oportunidad para mahubog at magamit ang mga kakayahan ng ating mga tao para sa kapakanan ng Bani. Hinikayat ni Mayor Ambet Navarro ang mga LGU Partners na ipagpatuloy at lalong patibayin ang pakikipagugnayan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Municipality of Bani, Pangasinan, PHILIPPINES 2407
©Copyright 2006-2007. All Rights Reserved.
Best viewed using Flashpeak Slimbrowser. For your comments, inquiries or suggestions
about this site, send e-mail to:gilbert@bani.gov.ph

| credit | site map | disclaimer |